govseal

GOVPH

Official Website of the Municipal Government of Labo

Republic of the Philippines

Municipal Government of Labo

Labo, Camarines Norte Region V

TESDAMAYAN PROGRAM, ISINAGAWA SA BAYAN NG LABO AT STA. ELENA; 200 KATAO KABILANG ANG ILANG IPs, NAGING BAHAGI NG IKA – 27 ANIBERSARYO NG TESDA

Labis ang tuwa ng dalawang daang katao kabilang na ang ilang Indigenous People (IPs) matapos tumanggap food packs mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Camarines Norte kaninang tanghali.
Ang nasabing mga benepisyaryo ay mula sa Brgy. Bayabas at Guisican sa Bayan ng Labo, at Brgy. Bulala sa Bayan ng Sta. Elana na tumanggap ng food packs na naglalaman ng gulay, bigas, kape, noodles, delata at iba pa.
Dagdag pa dito, namahagi rin ng halos 200 pakete ng bigas ang Camarines Norte Police Provincial Office sa pamamagitan ni PLCOL. ROGELYN PERATERO.
Pinangunahan ni TESDA Provincial Director Engr. Eduardo Bonagua ang isinagawang TESDAMAYAN Program katuwang ang mga kawani mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), kawani ng mga nabanggit na barangay at mga training institutions ng TESDA.
Naging bahagi din ng TESDAMAYAN Program sina Vice Mayor Alvin G. Bardon at Mayor Joseph V. Ascutia sa pamamagitan ni Admin Jojo Francisco ay naipahatid nito ang mensahe na humihikayat sa mga katutubo sa kahalagahan ng edukasyon gayundin ang paghimok na sumailalim sa mga pagsasanay ng TESDA upang magamit lalo’t higit sa trabaho.
Batid din niya na masisipag ang mga ito ngunit mahiyain dahilan upang malipasan ang mga oportunidad katulad ng mga inaalok ng tanggapan ng TESDA at ilan pang mga programa mula sa gobyerno.
Sa huli, labis ang pasasalamat ni Admin Jojo Francisco sa tanggapan ng TESDA bilang kabahagi ng kanilang ika – 27 anibersaryo gayundin ang pasasalamat sa pag-abot ng tulong at programa ng gobyerno sa Bayan ng Labo na mapakikinabangan ng mga Laboeño lalo’t higit ng mga nangangailangan ngayong panahon ng pandemya.
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email