govseal

GOVPH

Official Website of the Municipal Government of Labo

Republic of the Philippines

Municipal Government of Labo

Labo, Camarines Norte Region V

PESO LABO ADVISORY: Malasakit

Sana naman po ang mga umuwi sa Labo at sa iba pang bayan galing sa mga areas na infected ng COVID-19 ay sumunod sa ipinaguutos na mag self quarantine ng 14 days para naman po mapigil ang pagkalat ng virus. Sa mga Barangay Officials naman po pakiusap maging vigilant tayo sa pagbabantay sa kanya kanyang barangay na malaman kung may dumating sa inyong barangay para maitala at talagang marequire na sundin ang 14 days self quarantine at maobserbahan din ng ating mga health workers if may symptoms ba sila ng COVID-19 para mabigyan sila ng tamang lunas at hindi na po kumalat ang lumalaganap na virus.

Kanina pong umaga, ang aming first client sa PESO Labo ay female job applicant. Naghahanap daw sya ng trabaho dito sa Labo at kauuwi daw nya galing sa Pampanga (infected po ng COVID-19 ang Pampanga at kung hindi kami nagkakamali ay may 1 namatay na doon) Pinauwi daw sila ng employer nila at stop work na sila. Hindi ko na po babanggitin ang pangalan at kung anong barangay nya sa Labo (nakatala po sya at nakapirma sa aming logbook)

Bakit po hindi marunong sumunod sa ipinag uutos na 14 days quarantine, inilalagay nyo po sa kapahamakan ang marami pa nating kababayan kung sakali man na kayo ay infected (hindi ko po tinitiyak na infected na nga ang babaeng pumunta sa aming tanggapan) dahil gala po kayo ng gala. At marami pa pong umuwi sa ibat ibang barangay galing sa infected areas na parang bakasyonista lang ang peg na layas dito, layas doon, sige ang pakikipagkapitbahay, sabik na sabik makasalamuha, makakwentuhan ang mga kamag, anak, kaibigan at mga kapit-bahay. Hindi nyo ba alam na inilalagay nyo sa alanganing sitwasyon ang inyong mga nakakasalamuha?

Sa mga pupunta pa po sa PESO Labo na naghahanap ng trabaho, kung kayo ay galing sa ibang lugar, please po huwag na kayo pumunta, mag 14 days self quarantine muna kayo at dapat ipaalam ang pagdating nyo sa barangay. Ipinapaalam din po namin na yong mga scheduled job hiring namin na naipost na dito sa aming fb page ay cancelled na po at itutuloy na lang po ay kapag nalift na yong order ng ating pamahalan kaugnay sa pagbabawal ng maramihang pagtitipon ng mga tao upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Kung may concern po kayo sa aming tanggapan at kailangan nyo ang serbisyo namin, PM lang po kayo at ibigay ang inyong mobile number at kami ang tatawag sa inyo upang matulungan namin kayo. Hinihingi po namin ang inyong lubos na pang unawa sa bagay na ito. Maraming salamat po.

Pagpalain po tayo at ingatan ng Panginoong Diyos laban sa kumakalat na COVID-19.

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email