govseal

GOVPH

Official Website of the Municipal Government of Labo

Republic of the Philippines

Municipal Government of Labo

Labo, Camarines Norte Region V

LUSOG SIGLA NG SENIOR CITIZEN, IPINAGDIWANG SA BAYAN NG LABO!

Matagumpay na ipinagdiwang ng mga senior citizens sa limampu’t-dalawang (52) Barangay sa bayan ng Labo, Camarines Norte ang kanilang aktibidad na may kaugnayan sa LUSOG SIGLA na may temang “Food and Nutrition, Security! Maging Priority, Sapat na Pagkain, Karapatan Natin” sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office, Municipal Health Office katuwang ang Local Government Unit of Labo nitong araw ng Biyernes, Hulyo 11, 2025.


Ang aktibidad na ito ay dinaluhan ng buong hanay ng Senior Citizens sa pangunguna ng kanilang BASCA Officials na may layuning palakasin ang pisikal at mental na kalusugan ng mga nakatatanda sa komunidad.


Ayon kay G. Villagracia, BASCA President, sila anila ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng mga nakiisa at sumuporta sa kanilang programa. Ang lusog at sigla ay hindi lamang tungkol sa pag-eensayo ng katawan, kundi pati na rin sa pagpapalakas ng kanilang samahan at pagkakaisa bilang mga senior citizens.


Nagkaroon rin ng Panunumpa ng mga bagong halal na opisyales ng BASCA, nanguna bilang Inducting Officer si Mayor Severino Jojo H. Francisco Jr.


Ang programa ay suportado ng lokal na pamahalaan ng Labo sa pangunguna ni Mayor Jojo Francisco na nagbigay ng mensahe ng suporta at pagbati sa mga senior citizen.


Ayon sa kanya, ang pamahalaang ito ay laging bukas upang suportahan ang mga nakatatanda. Ang kanilang karanasan at kontribusyon sa komunidad ay napakahalaga at nagpapakita ng pagtutulungan at pagmamalasakit sa bawat isa.


📝Desiree Nagera

Facebook
Twitter
Email