Bagamat tayo ay dumadaan sa ibat ibang pagsubok sa nakalipas na mga araw, tuloy na tuloy parin ang pagbibigay liwanag at pagasa sa ating bayan.
Kasama sina Mayor JVA, Admin Jojo F., VM DVP at mga miyembro ng Sangguniang Bayan nilibot natin ang mga palamuti, dekorasyon at nag gagandahang mga belen sa ating bayan.
Maraming salamat sa mga taong nasa likod nito Municipal Tourism office, Engineering Office, mga grupo at organisasyon mula sa ibat ibang barangay.
Magtatagal po ito hanggang sa unang linggo ng Enero, inaanyayahan po namin kayo na bumisita sa aming bayan kasabay ng paalala at patuloy na pagsunod sa mga health prorocols na ipinapatupad.