govseal

GOVPH

Official Website of the Municipal Government of Labo

Republic of the Philippines

Municipal Government of Labo

Labo, Camarines Norte Region V

25 BENEPISYARYO MULA SA BARANGAY BAGONG SILANG 1 NG TGP PARTYLIST SA PAMAMAGITAN NG DOLE TUPAD, TUMANGGAP NG CASH PAYOUT

Personal na tinanggap ng 25 benepisyaryo mula sa Brgy. Bagong Silang 1 ang kanilang payout mula sa TGP Partylist at sa pamamagitan na rin ng TUPAD Program ng Department of Labor and Employment.
 
Sa labinlimang (15) araw na serbisyo, ay tumanggap ang bawat isang benepisyaryo ng 4,650.00 sa pamamagitan ng representative ng TGP Partylist na si Coun. Rey Kenneth N. Oning at Admin Jojo Francisco.
 
Dumalo sa pamamahagi ng cash payout ang buong barangay council ng Brgy. Bagong Silang 1 at mga kawani ng DOLE Camarines Norte Provincial Office.
 
Naisakatuparan ang nasabing programa para sa mga displaced workers ng naturang barangay dahil na rin sa patuloy na pakikipag ugnayan ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Labo sa tanggapan ng DOLE at sa TGP Partylist sa pamamagitan ni Cong. Bong Tevez Jr.
 
Kung matatandaan, una ng namahagi ng cash payout ng kaparehong programa ang TGP Partylist sa Brgy. Tulay na Lupa at Brgy. Dalas nitong nakatalikod na linggo na kung saan 50 benepisyaryo ang tumanggap rin mula sa nasabing tanggapan.
 
Samantala, sa araw ng bukas, Agosto 27, 2021, ay nakatakdang bumisita ang DOLE Camarines Norte Provincial Office, TGP Partylist at LGU Labo sa Brgy. Talobatib upang doon isagawa ang cash payout para sa mga benepisyaryo ng TUPAD Program.
 
– Oramismo Update on Facebook
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email