govseal

GOVPH

Official Website of the Municipal Government of Labo

Republic of the Philippines

Municipal Government of Labo

Labo, Camarines Norte Region V

2 BAKANTENG POSISYON NG SANGGUNIANG BAYAN, PINUNAN NA NG DILG MATAPOS ANG PAGSUSPINDE SA MAYOR AT VICE MAYOR NG BAYAN NG LABO

Itinalaga ng Department of Interior and Local Government bilang Acting Sangguniang Bayan Members sina Michael Dolera at Gemma Villagomez gayundin bilang Acting Municipal Vice Mayor na si Konsehal Cherry May Masbate sa Bayan ng Labo base sa Memorandum na pirmado ni Regional Director Atty. Anthony C. Nuyda, CESO III na may petsang February 14, 2022.

Kilala ang mga nasabing personahe na kaalyado ng kasalukuyang gobernador ng lalawigan na si Gob. Egay

Tallado.Sa isang social media post ni Dolera, direkta itong nagpasalamat kay Gob. Tallado at Congw. Tallado sa tiwalang ipinagkaloob nito sa kanya.

Matatandaan na sinuspende ng 6 na buwan ng Sangguniang Panlalawigan si Mayor Joseph Ascutia at Vice Mayor Alvin Bardon na ipinatupad at nilagdaan ni Gob. Tallado dahilan upang magkaroon ng dalawang bakanteng posisyon sa Sangguniang Bayan ng Labo.

Samantala, si Former VM Villagomez naman ay tumatayong Campaign Manager ng partido ni Aspiring Mayor Tallado na anak ni Gob. Tallado at Congw. Tallado sa Bayan ng Labo.

-February 16, 2022

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email